Menu
Philippine Standard Time:

BUWAN NG WIKA 2017

Bilang pakikiisa ng mga mag-aaral sa BES sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may pambansang tema na “FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO” mula sa tanggapan ng Komisyon sa Wikang Filipino ng Malakanyang, naghanda ang Paaralang Elementaryang Bernabe ng iba’t ibang gawaing magpapayaman at pupukaw sa pagmamahal ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino. Layunin ng mga gawain na: maitampok pang lalo ang gamit at kahalagahan ng wikang Filipino bilang isa sa mga wika sa loob at labas ng paaralan; maisulong ang husay at halaga ng wika sa gawaing pasalita at pasulat; at mapanatili nito sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga at pagmamahal sa sariling wika.

Pinasimulan ang isang buwang pagdiriwang ng isang panimulang programa noong Ika- 1 ng Agosto, 2017, si Gng. Marifel E. Abonales, gurong tagapag-ugnay sa Filipino ng BES ay nagpa-umpisa sa pamamagitan ng paglalahad ng pinagmulan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, sinundan ito ng pamukaw siglang pananalita mula sa Punungguro ng paaralan na si Dr. Felina P. Patagan. Ang paglalahad ng mga aktibidad ay ginampanan naman ni G. Errol John P. Ruiz at kick-off parade naman ang sumunod. Ang paglalahad ng mga patimpalak pampaaralan sa iba’t-ibang larangan ay pinaumpisahan din bilang parte ng programa sa Buwan ng Wika.

Ang pakikiisa ng lahat ay nagresulta sa isang matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nagkaroon din ng paglalahad ng mga nagwagi sa bawat patimpalak kasabay ng pampinid na programa noong ika-31 ng Agosto, 2017. Buhat dito, pinasasalamatan muli ni Gng. Marifel E. Abonales ang lahat ng mga guro, kawani, admistrasyon at mga mag-aaral sa walang sawang pagsuporta at pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Mabuhay tayong lahat! Mabuhay ang Wikang Filipino!